|
RANDOMSHITSABOUTNOTHING Renaissance Djenna M. Renacido. 17 years old. Centennial Graduate of Paco Catholic School. Freshmen Accountancy Student of Adamson University. Elevated on the dance floor. Feet dragged by the force of Gravity. Can get sick, but definitely can't quit. Everything on ground, only eyes on the sky.
Siblings from different parents.
Well, National Siblings’ Day daw. So nakiuso ako. Kasi naiinggit ako haha. Lumaki akong walang kapatid. Masaya na malungkot. Kahit nandiyan sila, iba parin talaga yung may tunay na kapatid. When I was 13 years old, magkakaron sana ako ng twin bros. Kaso, hindi natuloy. :( Isa lang yung napanganak. Si Dylan. Kaso iniwan niya din kami after 2 hours. Hmm, kahit naman ganun, I’m still thankful na may angels kami na nagbabantay sa amin lagi :) Just like what I’ve said, sila yung tumatayong mga kapatid ko. Actually, kulang kulang pa yan eh. Since eto lang yung copies ko sa phone ko at tinamad na ako maghanap pa. Haha. Eh sinipag akong i-update ung tumblr ko. So eto yung naisip kong blog :) First picture, I’m with Kuya Jason, Nikki, and Glen. Mga pinsan ko sila sa mother side. Actually, si Nikki talaga yung super bestfriend ko kasi alam niya lahat. As in lahat. Si Kuya and Glen yung boyfriends namin. Mga boyfriends namin na lagi naman kami inaasar. 9 kaming magpipinsan, eh wala naman ako makitang pic sa phone ko na kumpleto kami. So sila na lang. Si Ate Mi, Aira, and Nads naman yung second. They are my sine buddies. Everytime na may bagong magandang movie, di namin pinapalagpas. :) Pag may inuman naman ang mga daddies, di din kami nawawala. Busy kami magfoodtrip at maglaro ng kung ano-ano’t magpaka-kiddo. They are my buddies since babies pa kami. Yung mga parents namin, barkada na binata’t dalaga pa lang, at generation namin yung magtutuloy nun. Trish, Coleen, and Arman. They’re from BSB. Kaso isa isa nang nawawala, so apat na lang kaming matibay. Magkakalayo man bahay namin, isang tawag lang, go na para tumambay sa bahay nila Coleen or kung saan man maisip pumunta. Kahit walang pera, may paraan kami para lang magkita kita. Di na namin alam nangyari sa iba pa naming tropa. Gravity naman. Dance buddies ko sa Adamson. Madami na kaming napagdaanang hirap. Naubusan na kami ng dugo at pawis sa mga trainings. Sila yung dahilan kung bakit nag-improve yung dancing skills ko and kung bakit ako pumayat dati. KHARDZ. Stands for Kim, Hannah, Angela, Renzelle, Djenna, Zea. Sila yung kauna-unahang tropa ko sa college life. Lagi lang kaming happy happy. Kahit wala kaming ginagawa, basta magkakasama kami, ok na. Lahat ng gawin namin sa buhay, balanse. Yun yung natutunan namin sa course namin. Kung paano balansehin ang lahat. Elevated. Dance buddies nung highschool. Sila naman yung reason kung bakit naging flexible ako. Heel stretch, split, bow and arrow, butterfly, scorpion, lahat yun sila ang nagpush sakin para matuto nun. Pati na din front walk, kahit dko na kaya ngayon, natuto ako dati. Di man kami nanalo sa mga laban namin, we are still thankful na nakilala namin ang isa’t isa ati na din yung mga choreo namin, Kuya Aaron, Daddy Meg, and Tatay Sj. Dengs. Oh how I miss my babygirls. Tropa ko sila nung 4th year highschool. They are the best! They made my last year in highschool super awesome! Pag sila ang kasama mo, hindi mawawala ang ka-dramahan na akala mo, laging ang bibigat ng pinagdadaanan sa buhay. Eh kami ang mga dakilang banatera queens. Simpleng bagay, may katumbas na banat. Carol and Merel. Sila naman yung planner and lunch buddies ko nung 4th year. Bestfriends ko sila. Actually, lahat namaaan. Sila yung kasabay kong mag-update ng planner. After 4th year, tinamad na kami mag-planner dahil wala na kaming kasabay kasi iba iba na kami ng school. Sila din kasabay ko pag lunch time. Sila yung takbuhan ko lagi. Madami din kaming trip sa buhay na aakalain mong hindi kami babae. TG. Tambay Girls. Haha. Oh well. Isang sipol lang, alam na. Minsan lang ako tumambay. Kasi di naman ako pala-labas. Pero I always find time for them. Eto yung barkada ko dito samin. Sa tropang ‘to, walang maganda. Lahat kami, pogi. That’s why “men” ang tawagan namin. Pero we’re not lesbies. Hindi lang kasi kami girly. Ayaw namin ng pa-girl, pa-cute, at pa-tweetums. Kiddo pa din kami, at parang ayaw namin tumanda. Ayun, wala lang yung pic namin ni Kuya Don, pero isa sya sa mga kapatid ko. Kuya ko yun. SIya yung lagi ko matatakbuhan at napagsasabihan ng kung ano. Kahit lagi niya ako inaaway tsaka inaasar. Since then, gusto ko na kasi talaga ng kuya. So siya yung isa sa mga nagparamdam sakin na may kuya akong masasandalan, magtatanggol, magpapasaya, at magmamahal sakin like his true baby /lil sister.
Time Check: 2:14am. GOOD NIGHT! :*
Like yeah? Hahaha. I miss my sk8rboi. :(
Kyuti with Gravity!
Supposed to be, may outreach kami kanina. Hindi siya natuloy dahil sa lecheng organizer na hindi malaman kung saan nagpunta. So syempre, re-sched. That made me and Gelai attend our NSTP class. Sobrang boring. Binigyan kami ng 10minutes break tapos di na kami bumalik. Nag-cut kami kasi akala namin gagala yung iba kasi nga nare-sched na yung outreach. Eh hindi pa pala, so sayang cutting. Tambay sa ST quad. Then mga 5 na nung na-realize namin na wala pala kaming hinihintay pero hindi kami umaalis dun for about 4hours, I think. Wi-fi lang kami nun, di kami nag-uusap usap. Hahaha. Umalis na kami ng school. Hindi namin malaman kng san kami pupunta. Alabang Town Center, Alabang Mall, Ayala Triangle, MOA, Luneta, Glorietta, Bahay ni Kheart, Bahay ni Gelai, Bahay namin, Bahay ni Mags, Pasig, Bella, Rob, SM Manila, at UMUWI. Yung ang mga options namin. Oh diba, kundi ka ba naman maloka. ;) Finally, nakapag-decide na. And guess what, sa Luneta kami bumagsak. Pumunta kami sa perya dun and that was so awesome like asdfhjkl. Gusto sana namin sumakay sa lahat ng rides kaso mahal tska mahaba pila. Isa lang sinakyan nmin which is yung Viking. Kumbaga sa E.K, Anchor’s Away siya. Super cool lang talaga. Nasa dulo kami at super taas niya. At di namin alam kung anong nag-push samin para tumayo kami pag nagsswing pataas yung side namin. Nakakatakot kasi walang harang. Iba talaga yung kilig factor na dulot ng ride na yun =)) Sobrang nagrereklamo na yung boys dahil masakit daw sa ano nila. Hahaha. Eh sa girls, hindi masakit. Parang kinikilig lang. :”) Nung pauwi kami, umulan. At ayun, nabinyagan yung shoes ko ng wala sa oras. Happy Christening sakanya! :) Basta, lahat ng nangyari ngayong araw na to, super fun!! Had QT (Quality Time) sa perya with some of my Gravity Family, Mags, Gelai, Axl, Kheart, Roy and Shane. More different trip sa mga susunod na araw or weeks. Ipon muna. :)
1/115 » |